Home ENTERTAINMENT Aiko, ‘di makapaniwala sa proposal ni Onemig!

Aiko, ‘di makapaniwala sa proposal ni Onemig!

1
0

Manila, Philippines – Nag-alok na ng kasal si Onemig Bondoc sa kasintahan niyang si Aiko Melendez.

Matutunghayan ang proposal sa vlog ng 90s heartthrob.

Kakaiba ngang panoorin ‘yon dahil tila sa lahat ng aalukin ng kasal, bukod-tanging ang aktres at Quezon City councilor ang tawa nang tawa.

Naganap ‘yon sa Himlayang Pilipino kung saan nataong dadalawin ni Aiko ang puntod ng kanyang amang si Jimi Melendez.

Napansin agad ni Aiko ang hawak na bouquet of white flowers ni Onemig, who later knelt before her sabay tanong na: “Hon, will you marry me?”

Kasabay nito’y inilabas ni Onemig ang maliit na box na naglalaman ng singsing.

“Seryoso ba ‘yan? Hahaha!” tanong ni Aiko.

“Ano sa tingin mo, hindi? Ikaw, akala mo, lagi akong nagpapatawa,” ani Onemig na inulit ang tanong na “Will you marry me?”

Bagama’t tawa pa rin nang tawa’y napa-“Yes” na din si Aiko.

Maya-maya’y isinuot na ni Onemig sa daliri ni Aiko ang diamond ring.

“Engaged na ako! I’m going to be Mrs. Bondoc soon! Hahaha!” pagmamalaki ni Aiko.

Onemig then turned to Jimi’s grave: “From tito to daddy, thank you very, very much from the bottom of my heart.”

Aiko couldn’t help but feel emotional, still in disbelief.

Nagpaalam na din daw si Onemig sa dalawang anak ni Aiko na sina Andre at Marthena, at maging kay Mommy Elsie Castañeda.

Ang saya-saya! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here