Home HOME BANNER STORY Malakanyang, nanawagan kay VP Sara na tigilan na ‘plain arrogance’ ukol sa...

Malakanyang, nanawagan kay VP Sara na tigilan na ‘plain arrogance’ ukol sa confi funds, iba pang isyu

2
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Malakanyang kay Vice President Sara Duterte hinggil sa kanyang pagiging “plain arrogance” kaugnay sa Office of the Vice President’s (OVP) confidential funds.

Tinukoy ng Malakanyang ang kakaulangan sa kamalayan ni VP Sara sa nasabing usapin.

Nauna rito, tuluyan nang pinagtibay ng Commission on Audit (COA) ang Notice of Disallowance na nagbabawal sa paggamit ng P73.287 milyong confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) para sa panahon ng Disyembre 22 hanggang 31, 2022.

Kaya nagbitiw ng tanong si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro kung paano tutugunan ni VP Sara ang desisyon ng COA.

“Ano ulit ang magiging depensa dito? Ayon [kay] Spokes, magtatanga-tangahan. Pero mind you, hindi po galing sa atin iyong word na iyon. Actually, ayaw nating gamitin kaya lang siya iyong nag-bring up, so, gagamitin na lang natin at ito ay mula sa kaniyang sariling bibig,” ani Castro.

Nauna rito, handa ang Office of the Vice President o OVP na gumawa ng kaukulang hakbang matapos pinal na pagtibayin ng Commission on Audit o COA ang disallowance sa paggamit ng confidential funds nito.

Ayon sa OVP, hindi pa nito natatanggap ang kopya ng resolusyon ng COA sa motion for reconsideration kaugnay ng disallowance sa confidential expenses.

Sinabi ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte na inaasahan na nila ang naturang desisyon at nakahanda na silang tumugon sa pamamagitan ng naaangkop na legal at institutional channels.

Pinal na pinagtibay ng COA ang disallowance sa ₱73 milyon na confidential funds na inilabas ng OVP noong Disyembre 2022.

Ayon kay Castro “Kung nakita po ng COA na kailangan niyang ibalik ang pondo na ito… lumalabas na hindi tama ang pag-liquidate at maaaring lumabas na nagamit sa iba ang pondo.”

Kaya nga hinikayat ni Castro sa VP Sara na tugunan ang nasabing usapin at tigilan na ang “plain arrogance” kaugnay dito at iba pang usapin lalo n a ang kanyang inaasam na presidential bid sa 2028.

“Iyan ang dapat na ipaliwanag ng Bise Presidente [at] hindi sa pamamagitan ng—again, gamitin ko iyong sinabi ng Spokes—huwag sa pamamagitan na maging magtanga-tangahan o plain ignorance,” ang tinuran ni Castro.

“Iyan na rin po ang napansin ng prosecution, laging nagpapahiwatig na walang alam ang Bise Presidente sa mga isyung katulad nito, na kung ikaw ay nagnanais na maging pangulo ay hindi puwede sa mga isyung ito na wala palaging alam,” dagdag na pahayag nito.

Gayundin, tinanong ni Castro si VP Sara kung pamilyar na siya sa Pax Silica hub at Defense Economy Framework Agreement (DEFA).

Sa isang video na ibinahagi ng OVP sa mga miyembro ng media noong Hulyo, na-caught off guard kasi si VP Sara nang hingan ng komento ukol sa Pax Silica hub, ang naging tugon nito ay “no comment.” (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here