MANILA, Philippines – Iginiit ni House committee on dangerous drugs chairperson at Las Piñas Rep. Mark Anthony Santos nitong Sabado, Oktubre 10 ang kahalagahan ng civilian informants sa anti-drug campaign operations ng pamahalaan.
Ang pahayag niya ay kasunod ng P9.1 milyong halaga ng cash incentive na iginawad sa 28 informants ng Philippine Drug Enforcement Agency.
“Every credible tip can bring authorities closer to dismantling a drug network. When citizens speak up and provide reliable information, they help prevent illegal drugs from destroying more lives and tearing families apart,” saad sa pahayag ni Santos.
Ang intelligence na ibinigay ng mga informant ay nagresulta sa pagkakasamsam ng malalaking halaga ng shabu, cocaine, marijuana at pagbuwag sa mga drug laboratories.
Kabilang sa mga tagumpay na ito ay ang pagkakasamsam sa 40.992 kilo ng shabu at pagkakaaresto sa dalawang drug suspects sa Andrade Street, Barangay Balingasa, Quezon City noong Abril.
Ang informant ay binigyan ng P2 milyon, na pinakamalaking cash incentive na naibigay.
Binigyan din ng P1.5 milyon ang isa pang informant na nakapagbigay ng impormasyon na nagresulta sa pagbuwag sa large-scale clandestine drug laboratory sa Sitio Kaybunga, Barangay Bulacan, Occidental Mindoro noong Mayo.
“We are not asking people to put themselves in danger or confront suspected drug personalities. We are urging them to report what they know safely and responsibly so authorities can investigate, build cases, and take action against those involved.”
Bilang chairperson ng House Committee on Dangerous Drugs, siniguro ni Santos ang suporta ng Kongreso sa mga hakbang na magpapalakas sa intelligence gathering, law enforcement, drug prevention at rehabilitation, at iba pang anti-drug campaigns.
“Arrests and drug seizures are important, but we must go further. We need stronger intelligence, closer coordination, accountability, and sustained cooperation between the government and the public to weaken drug networks and keep illegal drugs away from our communities,” aniya. RNT/JGC