Home NATIONWIDE 187 loose firearms narekober sa loob ng 24 oras sa Central Luzon

187 loose firearms narekober sa loob ng 24 oras sa Central Luzon

3
0

CAMP OLIVAS, PAMPANGA – Inulat ng mga awtoridad na umabot sa 187 na loose firearms ang narekober ng mga awtoridad sa implementasyon o mahigpit na pagpapatupad ng programang “Revitalized Katok” ng Philippine National Police (PNP) sa loob ng 24 oras operasyon ng pulisya sa iba’t-ibang lugar sa Gitnang Luzon.

Batay sa ulat kay Region 3 Police Director Brigadier General Jess Mendez, alinsunod sa isinagawang Accounting and Disposition of Firearms with Expired Registration (ADFER), kabilang sa mga ito ang 182 deposited firearms for safekeeping, habang lima (5) pa ay boluntaryong isinurender sa mga awtoridad.

Layunin ng naturang programa na paigtingin ang kampanya laban sa pagkalat ng mga loose firearms na maaaring magamit sa krimen.

Kaya patuloy na hinihikayat ng kapulisan sa rehiyon ang publiko partikular ang mga nagmamay-ari ng mga baril o responsible gun ownership na tumalima o sumunod sa itinatakda ng batas para dito. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here