Home METRO Dalawang lasing, kritikal sa rambulan sa Malabon

Dalawang lasing, kritikal sa rambulan sa Malabon

1
0

MANILA, Philippines – NASA malubhang kalagayan ang dalawang lalaki nang mauwi sa rambulan at saksakan ang masayang pag-iinuman ng magkaka-tropa sa Malabon City, Linggo ng madaling araw, Oktubre 11.

Patuloy na inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong mga saksak sa kanilang katawan ang mga biktimang sina alyas “Melvin”, 23, utility worker, at alyas “Mark”, 25, kusinero, kapuwa residente ng Adante St. Brgy., Tañong.

Inatasan na ni Malabon Police chief P/Col. Kenneth Mission ang mga tauhan ng Police Sub-Station 5 na magsagawa ng follow-up operation para sa posibleng pagkakadakip sa suspek at sa mga kasama nito.

Sa kanyang ulat kay NPD Director P/BGen. Benliner Capili, sinabi ni Col. Mission na dumalo ang dalawa, kasama ang iba pang kaibigan, sa birthday party ng kanilang ka-tropa sa 420 C4 Road, Brgy. Tañong nang batuhin sila ng bote ng grupo ng mga suspek alas-2:35 ng madaling araw.

Gumanti naman ang grupo ng mga biktima na nauwi sa rambulan at paghahabulan na umabot sa tulay ng C4 Road, Brgy. Longos.

Sa pahayag ng testigong si alyas “Lanie” sa pulisya, nakikipagtalo ang mga biktima nang bigla silang undayan ng saksak ng hindi pa kilalang suspek bago mabilis na tumakas patungong Brgy. Longos. Rene Manahan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here