Home HOME BANNER STORY PBBM, balik Pinas na kasunod ng working visit sa Singapore

PBBM, balik Pinas na kasunod ng working visit sa Singapore

1
0

MANILA, Philippines – BALIK-PILIPINAS na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang kanyang working visit sa Singapore, kung saan pinag-usapan ang cargo at energy expansion at investment opportunities kasama ang mga business leaders.

Sa kanyang arrival statement, sinabi ng Pangulo na nakapulong niya ang mga business leaders, kabilang na ang FedEx, Mitsubishi Corporation, at Vena Energy.

Sa miting ng Pangulo kasama ang FedEx, winika ni Pangulong Marcos na plano ng kompanya ang pagpapalawak sa Clark Gateway Hub nito sa Pampanga, na nakatakdang buksan sa fourth quarter ng 2028.

“The expanded hub will significantly increase capacity for international air freight and specialized cargo, helping our micro, small and medium enterprises reach global markets,” ayon kay Pangulong Marcos.

Inanunsyo ng Pangulo na mamumuhunan ang Mitsubishi Corporation ng $700 milyon sa Ayala Corporation, na aniya ay “expected to be among the largest foreign equity investments in the Philippines in recent years.”

Sa kabilang dako, plano naman ng Vena Energy na magdagdag ng 1.29 gigawatts na kapasidad, suportado ng P52-billion equity investment sa susunod na dalawang taon.

“This is on top of an existing 887 megawatt operational capacity and about 1.26 gigawatts under construction,” aniya pa rin.

“These developments directly align with our goal of achieving a 35% renewable energy share in power generation by 2030 and 50% by the year 2040,” ang winika ng Pangulo.

Nauna rito, sinabi ng Pangulo na ang kanyang working visit sa Singapore mula October 7 hanggang 11 ay makatutulong sa paghahanda ng Pilipinas para sa industriya sa hinaharap.

Nagpartisipa rin ang Pangulo sa 24th Forbes Global CEO Conference, kung saan naka-ugnay nito ang gobyerno at business leaders mula sa ibang bansa kabilang na si Singapore Prime Minister Lawrence Wong.

Ipinresenta naman ng Pangulo ang economic priorities ng Pilipinas, ibinahagi ng Pangulo ang lumalagong exports ng bansa, pagsisikap na mapagaan at gawing simple ang pagnenegosyo at planong palakasin ang technological capabilities sa pamamagitan ng ‘research and development.’

Binigyang diin din ng Pangulo ang paglutas ng bansa laban sa korapsyon, pinalakas ang digital safeguards, nagtatag ng malakas na international economic ties, protektahan ang soberanya, sovereign rights, at hurisdiksyon sa West Philippine Sea, at mag-ambag sa regional peace and stability.

“Our objective is not simply to attract investments today. We must also prepare the energy supply, the infrastructure, technology, and human capital necessary to sustain the industries of tomorrow,” ayon kay Pangulong Marcos.

“To power our growth, we will keep studying all viable options for our long-term energy security and build the technical capability to make informed decisions for our future,” aniya pa rinb.

Binisita rin ng Pangulo ang Singapore Nuclear Research and Safety Institute, kung saan sinabi niya na natutunan niya ang trabaho ng Singapore sa ‘nuclear research, technology, at safety.’

“We returned home having strengthened an important partnership, opened new opportunities for investment and cooperation, and advanced our preparations for the economy that we want to build for the Filipino people,” anito. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here