Home NATIONWIDE Malinis, maayos na SP Office isinuko ni Sotto kay Gatchalian

Malinis, maayos na SP Office isinuko ni Sotto kay Gatchalian

2
0

MANILA, Philippines -Ipinakita sa mga larawang ibinahagi sa media na malinis at halos hindi ginalaw ang opisina na isusuko ni dating Senate President Vicente Sotto III kay Senate President Sherwin Gatchalian.

Sa mga larawan, makikita na maliban sa isang internet cable, walang bahagi ng opisina ang tinanggal.

Buo pa rin ang 10-seater na conference table, dalawang couch, coffee table, mga office desk, ilaw, carpet, at lamp.

Kabaligtaran ito sa bagong opisina ni Sotto bilang Senate President Pro Tempore na iniwan namang ganap na hubad matapos lisanin ni Sen. Jinggoy Estrada.

Kailangan pang irenovate halos mula sa simula ang opisina ni Sotto dahil ito ay iniwang may simentong sahig, mga butas sa dingding, walang electrical outlets o light switch, walang fixtures sa restroom, at may malaking butas pa sa kisame.

Ayon kay Estrada, “standard practice” ang pagtatanggal ng mga gamit.

Pero tutol dito si Gatchalian at sinabing ang “standard practice ay ang paggalang sa isa’t isa.”

Binanggit din ni Gatchalian na nagpahayag na rin ng pag-aalala ang Government Service Insurance System o GSIS, na may-ari ng gusali, hinggil sa structural integrity ng iniwang opisina ni Estrada. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here