Home METRO Misis inaresto sa pagpatay sa asawa, 3 anak kasabwat

Misis inaresto sa pagpatay sa asawa, 3 anak kasabwat

2
0

MANILA, Philippines – Isang senior citizen na ginang at tatlong anak ang inaresto makaraan umanong patayin ng misis at tatlong anak na kasabwat nito sa Bagong Silang, Brgy San Nicolas 3, Bacoor City Cavite.

Ayon sa pulisya, kinilala ang suspek na si alyas Marlyn, vendor, at tatlo nilang anak na sina alyas Marie, 24, Marlon, 38 at Candy, 33. Pawang mga residente sa nasabing lugar

Base sa ulat, bandang alas-8:00 ng umaga ay natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanilang bahay na naliligo sa sariling dugo at may tama ng saksak sa katawan.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya mula sa mga saksi, bago naganap ang insidente ay narinig nila ang dalawa na nagtatalo hanggang sa nauwi sa pisikalan at naririnig na nagkakalabugan sa bahay.

Ilang sandali lang ay nagkaroon ng katahimikan sa loob ng tahanan ng mag-asawa.

Nakita na lamang ng mga saksi na may tama ng saksak at wala nang buhay na nakahandusay ang biktima.

Lumabas sa imbestigasyon na sinabihan ng suspek ang anak na babae ng biktima na wala itong nakita sa mga pangyayari at sa takot ay nanahimik ito.

Maging ang dalawa nilang anak ay nananatili ring tahimik sa insidente.

Napag-alaman na nilabhan pa ng suspek ang mga duguang damit upang itago ang pangyayari.

Patuloy na inaalam ang pinag-ugatan ng pag-aaway ng mag-asawa na humantong sa krimen. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here