Home HOME BANNER STORY Bagyo sa labas ng PAR, malabong pumasok sa Pinas; ulan asahan sa...

Bagyo sa labas ng PAR, malabong pumasok sa Pinas; ulan asahan sa ilang lugar

2
0

MANILA, Philippines – Malabong pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isang tropical depression na nasa labas ng bansa, ngunit inaasahan ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Pilipinas dahil sa easterlies at hanging amihan, ayon sa PAGASA nitong Martes.

Ayon kay PAGASA, namataan ang tropical depression sa layong 2,790 kilometro silangan ng Northern Luzon at wala itong direktang epekto sa bansa.

Sa forecast ng PAGASA, makaaapekto ang easterlies o mainit na hanging nagmumula sa Pacific Ocean sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas. Samantala, iiral ang hanging amihan sa Extreme Northern Luzon.

Ayon pa sa ahensya, inaasahan ang patuloy na pag-ulan sa Aurora, Quezon, Bicol Region, Marinduque, Romblon, Oriental at Occidental Mindoro. Magdadala rin ng ulan ang easterlies sa Western at Eastern Visayas.

Posibleng makaranas ng maaliwalas na panahon ang Batanes at Babuyan Islands, bagama’t may tsansa ng mahinang ulan. Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan at posibleng localized thunderstorms.

Sa Mindanao at natitirang bahagi ng Visayas, inaasahan din ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan, na may posibilidad ng pagkulog at pagkidlat sa hapon at gabi. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here