Home SPORTS Walong kampeonato kinikig ni Cayanong

Walong kampeonato kinikig ni Cayanong

3
0

MANILA, Philippines – Pinupog ni sabong sensation Ka Rex Cayanong ang pang walong kampeonato ngayong 2026 matapos sikwatin ang korona sa katatapos na 5-Stag derby na ginanap sa Sta. Monica Cockpit noong Oktubre 12.

Umiskor ng perfect five points ang Ka Rex 6-Stag Nov. 15-SPC para masolo ng veteran broadcast journalist ang solo kampeonato sa pa derby ni Christopher Casimiro na siya rin host ng nasabing big event.

Naghari ang mga grey warriors (Talisain) na ipinarada ni Cayanong sa ruweda para iharap sa mga tigasing nakatunggali kung saan ay unang nilang itinumba ang Ganti at saka isinunod ang TMP Joemer para ilista agad ang malinis na dalawang panalo.

Siniyapol din ng Talisain ni Cayanong ang Wild Dinosaur ni Boss Teteng bago ginarote ang entry na Danred 888 at Guirib’z 6-Stag Taal.

Nakatuwang ni Cayanong para makamit ang korona ay ang kanyang handler at gaffer na si Carlo Dizon.

Noong Setyembre 17, nakaraang buwan lamang ay sinilo ni Cayanong ang dalawang kampeonato sa loob ng isang araw sa magkaibang lugar at event.

Gamit pa rin ang entry name na “Ka Rex 6-Stag Nov. 15 SPC”, nagkampeon si Cayanong sa pa derby ni Budjit Aguilar na 6-Stag Derby na ginanap sa New Zapote Cockpit.

Ang isa ay sa Pasay Cockpit, namayani si Cayanong sa 6-Stag na palaban ng host na si two-time World Slasher Champion Honey Yu.

At dahil may ilang buwan pa bago magtapos ang 2026, ay posibleng madagdagan pa ang mga titulong iu uwi ni Cayanong.

Samantala, may pa derby si Cayanong sa Nobyembre 15 sa San Pedro Coliseum ito’y ang Sabong On Air 6-Stag Derby (National Banded) kaya asahang dudumugin ito ng mga bigtime. ED

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here