MANILA, Philippines – Muling nabigo si Filipina tennis star Alex Eala na makausad sa isang WTA tournament matapos matalo kay Chinese qualifier Shi Han sa Wuhan Open sa China nitong Lunes ng gabi.
Nagtapos sa 6-4, 3-6, 3-6 ang laban pabor kay Shi sa round of 32 na ginanap sa Dongfeng Voyah Center Court.
Naipanalo ni Eala ang unang set, ngunit nakabawi ang Chinese player sa ikalawa at ikatlong set upang makumpleto ang panalo.
Ito na ang ikalawang sunod na pagkatalo ni Eala sa WTA Tour matapos ang kabiguan niya sa Singapore Tennis Open laban kay Tatiana Prozorova.
Para naman kay Shi, ito ang ikatlong sunod na panalo laban sa isang top-100 player at una niyang panalo sa isang WTA 1000 tournament.
Inaasahang muling sasabak si Eala sa WTA 500 Ningbo Open na magsisimula sa Oktubre 19 sa China.GP