Home NATIONWIDE P3.5M natangay sa mag-asawang senior citizen sa Cavite

P3.5M natangay sa mag-asawang senior citizen sa Cavite

3
0

MANILA, Philippines – Isang mag-asawang senior citizen ang natangayan ng mahigit P3 milyong halaga ng alahas, pera at iba pang kagamitan nang pwersahang pasukin ang kanilang bahay sa Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang mag-asawang biktima na si alyas Noel, 62 at Maria, 63 kapwa residente ng Springville, ng nasabing lungsod habang tinutugis naman ng pulisya sina alyas Boss, Sir, John at tatlong iba pa.

Base sa report, kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang Bacoor City Land Transportation Office (LTO) kaugnay sa isang kulay itim na Honda Civic Sedan na sinakyan ng mga suspek na puwersahang pumasok sa bahay ng mag-asawang Senior.

Sa ulat, bandang alas-5:30 ng umaga ay naglilinis sa kanyang sasakyan si alyas Noel sa harapan ng kanilang bahay nang dumating ang kulay itim na kotse na hindi naplakahan.

Sakay nito ang apat na armadong kalalakihan at dito na nagdeklara ng holdap ang mga suspek at pwersahang pumasok sa loob ng bahay hanggang sa matangay ang ibat ibang kagamitan.

Nang maisagawa ang pagnanakaw, sumakay ang mga suspek sa nasabing sasakyan at mabilis na tumakas.

Kaagad na humingi ng tulong ang mga biktima sa kanilang barangay na siyang nag-report sa pulisya kung kaya sinuri ang lahat ng CCTV footage kasabay ng hot pursuit operation para sa agarang ikadarakip ng mga suspek. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here