Home METRO 11 biktima ng sunog sa MV June Aster sa Palawan, ‘di pa...

11 biktima ng sunog sa MV June Aster sa Palawan, ‘di pa natutukoy

3
0

CORON, Philippines – Nananatiling hindi nakikilala ang 11 biktima ng nakamamatay na sunog sa pampasaherong barkong MV June Aster sa Coron, Palawan, mahigit isang buwan matapos ang trahedya.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodore Noemie Cayabyab nitong Martes, 60 biktima na ang nakilala sa pamamagitan ng DNA analysis ng Philippine National Police (PNP) Forensic Group. Patuloy naman ang proseso ng pagkilala sa 11 iba pang sunog na labi.

Sa kabila nito, wala pang labi ang pormal na kinukuha ng mga pamilya. Ayon kay Cayabyab, nakipag-ugnayan na ang Emergency Operations Center (EOC) sa Coron sa 60 pamilya para sa proseso ng pagkilala at pagkuha ng mga labi. Dalawang kinatawan ng mga pamilya ang personal nang nagtungo sa EOC upang asikasuhin ang mga kinakailangang dokumento.

Nagtayo ang lokal na pamahalaan ng Coron ng one-stop assistance desk sa municipal EOC upang tulungan ang mga pamilya sa pagproseso ng mga dokumentong kailangan sa pagkuha ng mga labi. Bukas ito mula Lunes hanggang Huwebes, alas-7 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.

Aabot sa 77 katao ang nasawi sa insidente noong Setyembre 9. Sa mga nasawi, 71 ang unang nahirapang makilala dahil sa matinding pagkasunog ng kanilang mga katawan.

Pansamantalang inilibing ang mga labi ng mga biktima sa San Nicolas Public Cemetery sa Coron, Palawan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here