Home NATIONWIDE Graft case ni Garin, pinawalang-sala ng Sandiganbayan

Graft case ni Garin, pinawalang-sala ng Sandiganbayan

3
0

MANILA, Philippines – Pinawalang-sala ng Sandiganbayan Special Second Division si House Deputy Speaker Janette Garin sa kasong graft at ilegal na paggamit ng pondo ng bayan kaugnay ng pagbili ng bakunang kontra-dengue na Dengvaxia noong siya pa ang kalihim ng Department of Health (DOH).

“This is a vindication not for me but are for scientists, our public health expert, at sa mga doktor na patuloy na naniniwala na kailangang kailangan serbisyuhan ang bawat Maria at Juan Dela Cruz,” pahayag ni Garin.

Nag-ugat ang kaso laban kay Garin at apat pang indibidwal sa mga reklamong inihain ng Ombudsman noong 2023. Inakusahan sila ng paglabag sa isang executive order at mga kautusan ng DOH kaugnay ng pagpapalabas ng special allotment release order (SARO) na nagkakahalaga ng mahigit P3 bilyon para sa pagbili ng Dengvaxia at pagpapatupad ng school-based immunization program. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here