MANILA, Philippines — Matapos ang record na pag-ani ng medalya sa 20th Asian Games, umaasa ngayong ang Pilipinas sa 69 na mga atleta sa 5th Asian Para Games na nakatakdang Oktubre 18-24 sa Nagoya, Japan.
Kumpiyansa si Philippine Paralympic Committee President Mike Barredo na magdedeliver ang delegasyon sa kabila ng kawalan ng chess, na nagbigay ng walo sa 10 gintong medalya para sa bansa noong 2023 edition sa Hangzhou.
“Siniguro nilang hindi kasama ang chess dahil siguradong mananalo tayo. Pero pinilit ko ito. Pinilit natin,” ani Barredo.
“Pero babayaran namin iyon,” ani Barredo, na nagpasalamat sa Philippine Sports Commission sa buong suporta sa kampanya.
Nasungkit ng Pilipinas ang 10 ginto, apat na pilak at limang tansong medalya para sa ika-siyam na puwesto sa kabuuan sa nakaraang Asian Para Games.
“We promise to do better even without chess,” dagdag ni Barredo.
Sa katatapos na Asian Games, humakot ang Pilipinas ng apat na ginto, siyam na pilak at 16 na tanso para sa kabuuang 29 na medalya, pinakamarami mula nang mag-uwi ang bansa ng 42 medalya (2-15-25) noong 1966 Games sa Thailand.
Sinabi ni Barredo na ang China, na nag-uwi ng kabuuang korona noong 2023 na may 214 ginto, 167 pilak at 140 tanso, ay nananatiling bansang inaasahang mangunguna.
“Kalahati ng mga ginto sa kanila. Mayroon silang dalawa o tatlong katunggali sa bawat kaganapan,” dagdag ni Barredo.
Sinabi ni Barredo na sasabak ang Pilipinas sa 11 sports kabilang ang swimming, athletics, cycling, table tennis at taekwondo.
“Skills wise, we are right there. As we’ve seen during training, the consistency is there. No complaints,” ani Bautista.
“The growth of Para in the Philippines has been steady. But we need to improve on our grassroots. That’s why we is pushing for Para to be included in the Batang Pinoy,” wika nito.JC