Home HOME BANNER STORY Sara Duterte, kumpirmadong tatakbo sa pagkapangulo sa 2028

Sara Duterte, kumpirmadong tatakbo sa pagkapangulo sa 2028

1
0

MANILA, Philippines – Muling iginiit ni Vice President Sara Duterte nitong Martes ang kaniyang planong tumakbo sa pagkapangulo sa 2028, at sinabing pagkakataon ang impeachment trial upang masuri siya ng publiko.

Sa isang press briefing, nagpasalamat si Duterte sa publiko dahil nananatili umano siyang mataas sa mga survey sa kabila ng mga paninira at paratang laban sa kaniya.

Nang tanungin kung desidido pa rin siyang tumakbo sa 2028, sumagot siya ng, “Yes.”

“Kaya nga, in one way, nakikita ko as a blessing ‘yung impeachment trial dahil diyan ay makikilatis at mas ma-scrutinize na ng mga tao ‘yung mga katanungan nila sa pagkatao ko,” pahayag ni Duterte.

Nagpasalamat din siya sa Philippine Chamber of Commerce and Industry dahil patuloy umano siyang iniimbitahan at pinakikinggan mula 2022 hanggang 2026.

“At nagpapasalamat ako sa Philippine Chamber dahil simula 2022, 2023, 2024, 2025, hanggang ngayon ay iniimbitahan pa rin nila ako at nakikinig pa rin sila sa mensahe ko,” dagdag niya.

Nagbabala rin ang bise presidente na maaaring magkaroon ng pandaraya at black propaganda sa 2028 national elections, kung matutuloy ang halalan. Nauna na rin niyang igiit na may mga hakbang umano para magkaroon ng no-election scenario.

“Kung matutuloy man ang 2028 national elections, expect ninyo na ‘yung dayaan diyan at expect ninyo na tutuloy-tuloy ‘yung tinatawag nilang black propaganda,” ayon kay Duterte. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here