Home NATIONWIDE PCO, palalakasin papel ng PTV sa komunikasyon ng pamahalaan

PCO, palalakasin papel ng PTV sa komunikasyon ng pamahalaan

3
0

MANILA, Philippines – Palalakasin ng Presidential Communications Office (PCO) ang papel ng People’s Television Network (PTV) sa pagpapalaganap ng mga mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at mga programa ng pamahalaan para mas madaling maunawaan ng publiko, ayon kay Acting PCO Secretary Lino Cayetano.

Sinabi ni Cayetano, dating general manager ng PTV, na patuloy niyang isusulong ang mas epektibong paghahatid ng impormasyon ng pamahalaan sa mga Pilipino.

“I think over the last few weeks, tulad ng sabi ng Pangulo, I’ve been helping through my capacity as General Manager of PTV, paano mas epektibong maibaba yung mensahe ng ating gobyerno. And I think PTV will still play a very important role in this,” ani Cayetano sa ambush interview sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps.

Ayon kay Cayetano, nais ni Pangulong Marcos na magsilbing instrumento ng transparency at accountability ang PTV upang mas maunawaan ng publiko ang mga mensahe ng Pangulo at mga programa ng administrasyon.

“The vision of PTV when the President talked to me was, you know, to become an instrument for transparency, accountability, and to bring it down para maintindihan ng mga kababayan natin yung mensahe ng Pangulo at yung mga programa natin,” ani Cayetano. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here