Home NATIONWIDE 6 patay sa dengue sa Bacolod

6 patay sa dengue sa Bacolod

2
0

MANILA, Philippines – Anim ang nasawi dahil sa dengue sa Bacolod City mula noong Enero.

Kabilang dito ang 8-anyos na batang babae na nasawi nitong Martes, Oktubre 13 mula sa Barangay Handumanan dahil sa komplikasyon.

Ayon sa City Health Office, nasawi ang bata sa ospital sa Bacolod dahil sa multiple organ dysfunction syndrome secondary to severe dengue, dengue hemorrhagic shock, pulmonary hemorrhage, at unspecified sepsis.

Nagsimula ang sakit ng bata noong Setyembre 28 nang makaranas ito ng pabalik-balik na mataas na lagnat.

Nasawi rin sa dengue ang dalawa sa Barangay Mansilingan, at tig-iisa sa barangay Villamonte, Granada, at 16.

Anang CHO, nakapagtala ng 891 kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Oktubre 3, o 1.5 percent na pagtaas kumpara sa nagdaang taon.

Ang mga barangay na may matataas na kaso ng dengue ay ang Mansilingan sa 105 kaso, Handumanan, 77, Estefania, 73, Alijs, 58, Granada, 55, Villamonte, 54, Taculing, 54, Singcang, 53, Tangub, 44, at Banago, 39,

Hinimok naman ng CHO ang publiko na agad magpunta sa doktor kapag nakitaan ng paunang senyales ng dengue na lagnat na may kasamang pananakit ng tiyan, pagsusuka, pagdurugo ng ilong, rashes at iba pa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here