Home NATIONWIDE 4 sugatan sa debris mula sa naharang na missile ng Houthi sa...

4 sugatan sa debris mula sa naharang na missile ng Houthi sa Riyadh

3
0

SAUDI ARABIA – Apat ang naitalang sugatan dahil sa debris mula sa naharang na missile ng Houthi sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ayon sa mga awtoridad, 15 tirahan naman ang nagtamo ng pinsala matapos bumagsak ang debris mula sa dalawang naharang na missile.

Ang mga missile na ito ay inilunsad ng Iran-aligned Houthi group na agad namang naharang at sinira ayon sa tagapagsalita ng Civil Defense.

Kabilang sa mga nasugatan ay dalawang babae, isang lalaki at isang bata. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here