Home NATIONWIDE Higit 20 flight apektado sa nawalang gunting sa airport sa Japan

Higit 20 flight apektado sa nawalang gunting sa airport sa Japan

2
0

JAPAN – Naantala ang mahigit 20 flight nitong Martes, Oktubre 13, sa Naha Airport sa Okinawa, Japan matapos isara ang isa sa tatlong security checkpoint ng halos dalawang oras.

Ito ay dahil sa pangamba na naiwan ng cleaning staff ng pares ng gunting sa naturang lugar.

Ang mga gunting ay unang pinangambahan na nasa restricted area sa unahan ng checkpoint ng domestic terminal, ngunit nakita sa ibang lugar, ayon sa airport branch ng Japan transport ministry.

Isinara ang checkpoint mula alas-6 ng umaga at nagbukas din naman alas-8 ng umaga.

Naapektuhan nito ang mga pasahero ng mga flight partikular ng Japan Airlines at group carriers. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here