Home HOME BANNER STORY Dating piloto, babae iniuugnay sa 52-kg Laos drug haul

Dating piloto, babae iniuugnay sa 52-kg Laos drug haul

1
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng mga awtoridad sa Malaysia ang 54-anyos na dating pilotong Pinoy na may drug-related record sa Pilipinas, at 51-anyos na babaeng kasabwat nito na may kaugnayan umano sa sindikato sa nakumpiskang 52 kilo ng iligal na droga sa Laos.

Ayon kay Bukit Aman Narcotics Crime Investigation Department (NCID) director Hussein Omar Khan, nakakuha ng pahayag ang mga imbestigador mula sa ilang indibidwal, kabilang ang Malaysian national na hinihinalang nagsilbing broker at nag-ayos ng pagrenta ng eroplanong sangkot sa Luang Prabang International Airport.

“The individual disclosed that the aircraft had been rented by a 54-year-old Filipino man, identified as a former pilot with a drug-related criminal record in the Philippines,” saad sa pahayag ni Hussein.

“Investigations also revealed that a 51-year-old Filipino woman was believed to be involved in the syndicate and to have acted as its coordinator,” dagdag pa niya.

Ani Hussein, ang kaso ay iniimbestigahan sa ilalim ng Sections 34 at 39B ng Malaysia Dangerous Drugs Act 1952, na sakop ang mga gawain sa Malaysia para magsagawa ng drug trafficking overseas.

Nakikipag-ugnayan na ang NCID sa Malaysia Ministry of Foreign Affairs at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para makakuha pa ng impormasyon at makatulong sa mga imbestigador sa Malaysia. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here