Home METRO Tindero ng manok tiklo sa P2.14-M shabu sa Camarines Norte

Tindero ng manok tiklo sa P2.14-M shabu sa Camarines Norte

5
0

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 39-anyos na tindero ng manok matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2.14 milyon sa buy-bust operation sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Ayon sa Police Regional Office-Bicol, isinagawa ang operasyon noong Biyernes, Oktubre 9, sa Barangay Poblacion 2, kung saan nadakip ang suspek na kinilala lamang sa alyas na “Boy.”

Sinabi ni PRO-Bicol Director Brig. Gen. Randy Glenn Silvio na itinuturing na high-value individual ang suspek dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa ilegal na droga.

Nakuha sa operasyon ang 18 heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng kabuuang 315 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang street value na P2.14 milyon.

Sa isinagawang background verification, lumitaw na mayroon nang naunang police booking records ang suspek, kabilang ang kasong paglabag sa Section 15, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 noong Oktubre 16, 2021 sa Meycauayan, Bulacan.

Binigyang-diin ni Silvio na patuloy na paiigtingin ng pulisya ang mga operasyon laban sa ilegal na droga upang maprotektahan ang publiko, partikular ang mga kabataan.

Nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya para sa dokumentasyon at kaukulang legal na proseso. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here