Home METRO Pastor tiklo sa ‘pangmomolestiya’ sa 3 batang miyembro ng simbahan

Pastor tiklo sa ‘pangmomolestiya’ sa 3 batang miyembro ng simbahan

4
0

RIZAL — Kalaboso ang isang 51-anyos na pastor matapos arestuhin dahil sa umano’y seksuwal na pang-aabuso sa tatlong menor de edad na babaeng miyembro ng kanyang simbahan.

Dinakip ang pastor sa isang clubhouse sa Baras, Rizal, nitong Miyerkoles ng hapon, Oktubre 14, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Marikina City Family Court Branch 7.

itinuturing ang akusado na Top 2 most wanted person ng Marikina City Police Station ngayong Oktubre.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap umano ang pang-aabuso noong 2023 sa tatlong batang babae na edad 8, 9 at 15.

Lumabas din sa pagsisiyasat na hindi lamang isang beses umanong nakaranas ng pangmomolestiya ang 15-anyos na biktima, dahil nagpatuloy umano ito hanggang 2024.

Sinabi ni Police Colonel Jenny Tecson, hepe ng Marikina City Police Station, na nangyari umano ang mga insidente sa compound ng simbahan pagkatapos ng pagsamba.

Abril 2026 nang pormal na magsampa ng reklamo ang mga kaanak ng mga biktima, habang inilabas naman ng korte ang warrant of arrest noong Oktubre 8.

Ipinaliwanag ni Tecson na maaaring matakot ang mga batang nakararanas ng pang-aabuso na agad magsumbong, lalo na kung may posisyon o awtoridad sa kanila ang inirereklamo.
Samantala, mariing itinanggi ng pastor ang mga paratang at iginiit na posibleng nag-ugat lamang ang reklamo sa hindi pagkakaunawaan.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang pastor na nahaharap sa apat na bilang ng kasong statutory acts of lasciviousness, na may inirekomendang kabuuang piyansang P432,000.

Pinaalalahanan naman ng pulisya ang publiko na agad iulat ang anumang uri ng pang-aabuso sa mga bata sa pamamagitan ng emergency hotline na 911. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here