Home NATIONWIDE 4 pang aplikante sa Supreme Court, sasalang sa JBC interview ngayong Huwebes

4 pang aplikante sa Supreme Court, sasalang sa JBC interview ngayong Huwebes

1
0
Supreme Court

MANILA, Philippines — Apat pang aplikante sa posisyon ng Associate Justice ng Supreme Court (SC) ang nakatakdang sumalang sa ikalawang araw ng public interview ng Judicial and Bar Council (JBC) ngayong Huwebes, Oktubre 15.

Kabilang sa mga haharap sa JBC sina Commission on Audit (COA) Chairperson Gamaliel Cordoba, Government Corporate Counsel Solomon Mateo Hermosura, Atty. German Quintos Lichauco II at Commission on Elections (Comelec) Commissioner Ernesto Maceda Jr.

Isinasagawa ang screening para sa mababakanteng puwesto ni SC Associate Justice Amy Lazaro-Javier, na nakatakdang sumailalim sa compulsory retirement sa Nobyembre 16, 2026.

Noong Martes, Oktubre 13, unang sumalang sa panayam sina Bureau of Immigration Deputy Commissioner Aldwin Alegre, Legal Education Board Chairperson Jason Rueda Barlis, Sandiganbayan Presiding Justice Geraldine Faith Econg at Court of Appeals Associate Justice Lily Villareal Biton.

Sa kabuuan, 19 ang naghahangad na makakuha ng puwesto sa Korte Suprema, ngunit walo lamang ang kailangang sumailalim sa bagong public interview.

Hindi na muling iinterbyuhin ang 11 iba pang aplikante dahil nananatiling balido ang kanilang mga naunang panayam sa JBC.

Kabilang sa mga miyembro ng JBC na lumahok sa unang araw ng panayam sina Justice Secretary Fredderick Vida, Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro, retired SC Associate Justice Jose Catral Mendoza, retired Court of Tax Appeals Associate Justice Erlinda Piñera Uy at Atty. Jose Mejia.

Ang JBC ang may tungkuling magsuri ng mga kwalipikasyon ng mga aplikante at maghain ng shortlist sa Pangulo, na siyang magtatalaga ng bagong mahistrado ng Korte Suprema. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here