Home METRO 4 lalaki arestado sa P2.3M ismagel yosi sa ZamboSur

4 lalaki arestado sa P2.3M ismagel yosi sa ZamboSur

1
0

ZAMBOANGA DEL SUR, Philippines – Arestado ang apat na lalaki at nasamsam ang tinatayang P2.3 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sigarilyo sa pinagsanib na operasyon ng maritime law enforcement sa Barangay White Beach nitong Miyerkules ng umaga.

Ayon kay Capt. Derf Jay Maquinta, tagapagsalita ng Zamboanga del Sur Police Provincial Office (ZSPPO), mga residente ng Maguindanao del Norte ang apat na suspek na may edad na 20, 26, 30, at 32.

Sinabi ni Maquinta na hinarang ng mga tauhan ng Zamboanga del Sur Maritime Police Station (ZDS MARPSTA), kasama ang iba pang law enforcement unit, ang mga suspek dakong alas-11:15 ng umaga.

Nasamsam sa operasyon ang 40 master case ng White Cannon Menthol cigarettes na may tinatayang halagang P2.3 milyon, gayundin ang dalawang walang markang de-motor na bangkang kahoy na umano’y ginamit sa pagdadala ng mga kontrabando.

Dinala ang mga suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa himpilan ng ZDS MARPSTA para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Ayon sa pulisya, posibleng maharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10643 o Graphic Health Warnings Law, na nagtatakda ng mga babalang pangkalusugan sa mga pakete ng tabako at nagpaparusa sa ilegal na pamamahagi at kalakalan ng mga produktong hindi sumusunod sa itinakdang pamantayan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here