Home METRO 70-anyos utas sa nakaaway na 60-anyos sa Pangasinan

70-anyos utas sa nakaaway na 60-anyos sa Pangasinan

1
0

PANGASINAN – Kamatayan ang sinapit ng 70-anyos na lalaki matapos maghamon ng suntukan sa kapuwa niya senior sa bayan ng San Quintin ng lalawigang ito nitong Miyerkules ng gabi, Oktubre 15.

Ayon sa San Quintin MPS, ang biktima at ang 60-anyos na  tricycle driver na nakaaway nito ay parehong residente ng naturang bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagpapasada ang suspek nang lapitan umano ng nakainom na biktima at hamunin ng suntukan.

Sinuntok umano ng suspek ng ilang beses ang biktima hanggang sa matumba at tumama ang ulo nito sa kalsada.

Isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng umatending doktor.

Ang suspek ay nasa kustodya na ng mga awtoridad. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here