Home NATIONWIDE Luistro humingi ng paumanhin sa ‘wacky photos’ ng prosecution sa Senate session...

Luistro humingi ng paumanhin sa ‘wacky photos’ ng prosecution sa Senate session hall

3
0

MANILA, Philippines — Humingi ng paumanhin si House lead prosecutor Gerville Luistro kaugnay ng nag-viral na “wacky photos” ng ilang miyembro ng prosecution team na kuha sa Senate session hall matapos mag-recess ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Luistro, walang intensiyon ang prosecution panel na bastusin o gawing katatawanan ang Senado at nananatili umano ang kanilang mataas na respeto sa institusyon at sa mga senador.

Paliwanag niya, naging masaya lamang ang grupo nang kunan ang larawan dahil nagkaroon sila ng pagkakataong makapagpahinga matapos ang ilang buwang impeachment hearings.

Nauna nang kinuwestiyon ni Senate President Sherwin Gatchalian ang pagkuha ng naturang mga larawan sa loob ng session hall.

“Ang session hall at Senado ay sagrado ito dahil dito natin ginagawa marami sa mga mahahalaga nating batas, mga pinaguusapan nating mahahalagang issues. So dapat respetuhin natin itong institusyon na ito,” ani Gatchalian.

Sinabi rin ni Gatchalian na inatasan na niya ang Office of the Sergeant-at-Arms na tingnan ang mga kumakalat na larawan at alamin ang pangyayari.

Nag-recess ang impeachment trial ni Duterte matapos ang serye ng pagdinig, habang Article II na lamang ng impeachment complaint ang ipinagpapatuloy ng prosecution. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here