Home ENTERTAINMENT Kris sa kontrobersiya kay Josh: May mga taong ‘di dapat pag-aksayahan ng...

Kris sa kontrobersiya kay Josh: May mga taong ‘di dapat pag-aksayahan ng oxygen

5
0

MANILA, Philippines — Binasag ni Kris Aquino ang katahimikan kaugnay ng kontrobersiyal na mga pahayag ng ilang podcast hosts laban sa panganay niyang anak na si Joshua “Josh” Aquino, ngunit sinabi niyang pinili niyang huwag nang patulan ang mga ito.

Sa Instagram nitong Biyernes, sinabi ni Aquino na pinayuhan siya ng isang kaibigan na may mga taong mas mabuting huwag nang “bigyan ng oxygen.”

“By never stating their names, or my feelings, they didn’t get the word war from me they were expecting,” ani Aquino.

Dagdag niya, ayaw na niyang maglaan ng lakas sa tinawag niyang “irresponsible and uninformed opinions.”

Ibinahagi rin ni Aquino kung paano nagtutulungan sina Josh at nakababatang kapatid nitong si Bimby sa pag-aalaga sa kanya sa gitna ng kanyang mga pinagdaraanan sa kalusugan.

Aniya, kasama niya si Josh tuwing hapon at nag-aalalay ito sa kanya bago naman saluhin ni Bimby ang pag-aalaga.

Iginiit din ni Aquino na patuloy siyang lumalaban para sa kanyang dalawang anak, partikular dahil nais niyang masiguro na handa si Bimby sa responsibilidad na alalayan ang kanyang kuya sa hinaharap.

Umani ng batikos ang podcast na Machong Chismisan matapos kumalat ang bahagi ng isang Oktubre 5 episode kung saan nagbigay ang ilang hosts ng mapanirang komento tungkol kay Josh.

Humingi na ng paumanhin ang podcast hosts, habang pormal namang tinapos ng The Pod Network ang kontrata nito sa Machong Chismisan at inalis ang programa sa network, epektibo agad. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here