Home METRO 8 Tsino, 10 Pinoy arestado sa illegal mining raid sa Surigao

8 Tsino, 10 Pinoy arestado sa illegal mining raid sa Surigao

3
0

BUTUAN CITY — Arestado ang 18 katao, kabilang ang walong Chinese national, sa isinagawang operasyon laban sa umano’y malakihang illegal mining sa Barangay Mabini, Surigao City nitong Miyerkoles.

Ayon sa Police Regional Office-Caraga, tinatayang P153 milyon ang halaga ng mga heavy equipment at iba pang gamit na nasamsam sa operasyon.

Kabilang sa nakumpiska ang 16 excavator, walong dump truck, limang payloader, walong generator set, apat na improvised sluice machine, isang Toyota Hilux at iba pang mining equipment at materyales.

Narekober din ng mga awtoridad ang isang Armscor Model 3 shotgun na may 12 bala at dalawang improvised air gun.

Bukod sa walong Chinese national, 10 Pilipino rin ang inaresto. Apat sa mga ito ay residente ng Surigao City, dalawa mula Davao City, habang ang iba ay mula Zamboanga City, Zamboanga del Sur, Davao de Oro at Surigao del Norte.

Isinagawa ang operasyon sa koordinasyon ng pulisya, Department of Environment and Natural Resources, Mines and Geosciences Bureau at Armed Forces of the Philippines.

Sinabi ni PRO-Caraga director Brig. Gen. Rolindo Suguilon na ipagpapatuloy ng mga awtoridad ang legal na hakbang laban sa mga responsable sa umano’y illegal mining operation.

Nasa kustodiya ng Surigao City Police Station ang mga inaresto habang isinuko naman sa MGB-Caraga ang mga nakumpiskang kagamitan para sa safekeeping at kaukulang disposisyon. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here