Home METRO 9 bebot ginawang sex slave; Kano arestado

9 bebot ginawang sex slave; Kano arestado

3
0

CEBU CITY — Siyam na babae, kabilang ang isang 15-anyos na menor de edad, ang nasagip ng mga awtoridad mula sa isang condominium unit sa Barangay Kamputhaw, Cebu City, habang isang Amerikanong mula Missouri ang inaresto kaugnay ng umano’y illegal detention at sexual exploitation.

Nagsimula ang operasyon matapos makapagpadala ng mensahe ang menor de edad sa kanyang magulang at humingi ng tulong dahil umano’y hindi sila pinapayagang makalabas sa condominium unit.

Nakipag-ugnayan ang Inayawan Police Station sa Abellana Police Station at Women and Children Protection Desk bago sinalakay ang condominium at iniligtas ang mga babae.

Ayon sa police account na iniulat ng SunStar, nasa 15 hanggang 22 anyos ang mga nasagip. Inakusahan din ng menor de edad ang suspek ng sexual abuse.

May narekober din umanong sachet ng hinihinalang shabu mula sa suspek. Nakadetine siya habang inihahanda ang mga reklamong maaaring kabilang ang illegal detention, rape at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Isinailalim naman sa intervention at stress debriefing ng Women and Children Protection Desk at Department of Social Welfare and Development ang mga nasagip na babae. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here