Home HOME BANNER STORY Baligod, 32 iba pa arestado sa kasong unjust vexation

Baligod, 32 iba pa arestado sa kasong unjust vexation

3
0

MANILA, Philippines — Arestado nitong Biyernes si lawyer Levito Baligod, abogado ng 18 indibidwal na kilala bilang “maleta boys,” kasama ang 14 na iba pa, kaugnay ng kasong unjust vexation, ayon sa pulisya.

Kinumpirma ni San Juan City Police Chief Police Col. Anthony Gantang ang mga pag-aresto sa panayam sa telepono sa mga mamamahayag. Ayon sa kanya, naglabas ng arrest warrant ang Zambales Regional Trial Court noong Setyembre 23.

Inaresto ang mga indibidwal sa harap ng Hall of Justice sa San Juan City. Hindi pa matiyak ng mga awtoridad kung kabilang sa mga “maleta boys” ang 14 pang naaresto.

“Ngayon, nasa San Juan Police Station sila,” ani Gantang.

Ayon pa sa opisyal, itinakda ng korte sa ₱10,000 bawat isa ang piyansa para sa naturang kaso.

Sa ilalim ng Rules of Criminal Procedure, maaaring ipatupad sa buong bansa ang mga arrest warrant na inilabas ng Regional Trial Court at Municipal Trial Court, kaya maaaring isilbi ng mga awtoridad ang mga ito kahit nasa labas ng hurisdiksyon ng korteng naglabas ng warrant ang mga inaresto. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here