Home METRO Grab rider content creator, itinumba

Grab rider content creator, itinumba

2
0

NUEVA ECIJA, Philippines – Patay ang isang grab driver na kilalang content creator makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang salarin sa Markville Subdivision, Barangay Mayapyap Sur, Cabanatuan City, bandang alas 9:40 kagabi, Setyembe 15.

Base sa report ng pulisya, nagtungo ang mga awtoridad sa lugar at natagpuan na lamang ang isang lalaking nakahelmet na nakahandusay sa kalsada, kinilalang si Raulito MariƱas, delivery rider na isang isa ring content creator ng Ser Bong TV, 60, residente ng Melencio, Cabanatuan City.

Narekober ng mga imbestigador sa pinangyarihan ng krimen ang isang basyo na hinihinalang mula sa cal.45.

Wala ang motor ng biktima pero nakita sa isang CCTV footages ang isang lalaking sakay ng isang motorsiklo na papalabas sa lugar ng krimen na hinihinalang responsable sa pagpatay sa biktima.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon at pagkalap ng mga CCTV footages para matukoy ang salarin.

Nagsagawa na rin ng Oplan Bakod ang mga awtoridad sa mga posibleng daanan ng suspek
Wala pang pahayag ang mga awtoridad sa motibo sa pamamaril.

Maging ang pamilya ng biktima ay wala pa ring pahayag pero nanawagan ang ilang mga malapit na kaibigan ng hustisya para sa biktima. (MARINA BERNARDINO-SY)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here