Home METRO BFP nagbabala sa tamang pag-iimbak ng mga dekorasyon matapos ng sunog sa...

BFP nagbabala sa tamang pag-iimbak ng mga dekorasyon matapos ng sunog sa Malolos City Hall

3
0

BULACAN, Philippines — Nagpaalala ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa publiko na mag-ingat sa pagtatago ng mga dekorasyon at iba pang madaling magliyab na materyales matapos magkaroon ng sunog sa roof deck ng Malolos City Hall noong Biyernes, Oktubre 16.

Nagsimula ang sunog bandang alas-10:45 ng umaga, dahilan upang magmadaling lumabas ng gusali ang mga empleyado at bisita. Agad naman itong naapula.

Ayon sa mga imbestigador, posibleng mga dekorasyong pang-Pasko na nakaimbak sa roof deck ang pinagmulan ng sunog, ngunit hindi pa kumpirmado ang sanhi nito.

Matapos maapula ang apoy, sinuri ng mga tauhan ng BFP ang lugar upang matiyak na wala nang natitirang apoy at maiwasan ang muling pagkasunog.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here