Home TOP STORIES Pope Leo nagdaos ng misa sa ospital habang nagpapagaling matapos operahan sa...

Pope Leo nagdaos ng misa sa ospital habang nagpapagaling matapos operahan sa baga

1
0

ROME, Philippines — Nagdaos ng misa si Pope Leo XIV noong Biyernes sa ospital kung saan siya nagpapagaling matapos operahan dahil sa cancerous tumor sa kanang baga.

Ayon sa Vatican press office, nagdaos siya ng misa kasama ang mga doktor, nurse, iba pang kawani ng ospital at mga pulis na naroon. Nagpasalamat din siya sa kanilang serbisyo at pag-aalaga sa mga pasyente.

Inaasahang pangungunahan ni Leo ang tradisyonal na Angelus prayer sa Linggo, ngunit hindi pa malinaw kung mula ito sa ospital o sa Vatican.

Na-admit ang Santo Papa sa Gemelli Hospital noong Martes at inoperahan upang alisin ang cancerous tumor sa kanyang kanang baga.

Ayon sa mga doktor, normal ang kanyang paggaling. Ipinakita ng chest X-ray noong Huwebes ang “good recovery of the operated lung,” habang iniulat naman noong Biyernes ang “a steady improvement in his general condition.”

Nagagawa na rin umano niya nang mag-isa ang kanyang mga karaniwang gawain. Gayunman, hinihintay pa ang resulta ng mga pagsusuri upang malaman kung kumalat ang cancer at matukoy ang susunod na hakbang sa kanyang gamutan.

Hindi pa nagbibigay ang Vatican ng tiyak na petsa ng kanyang paglabas sa ospital. Nauna nang sinabi ng mga doktor na maaaring abutin ng isang linggo ang kanyang paggaling. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here