Home METRO Nigerian nat’l timbog sa halos P6M ecstacy sa Pampanga

Nigerian nat’l timbog sa halos P6M ecstacy sa Pampanga

3
0

CAMP OLIVAS, PAMPANGA, Philippines – Timbog sa mga awtoridad ang isang Nigerian National at masabat ang nasa halos P6 Milyon halaga ng suspected party drugs o ecstacy sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa 1st St., Barangay Balibago, Angeles City.

Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.

Nadakip ang 46 anyos na Nigerian National na kabilang sa talaan ng mga High value Individual (HVI) ng pinagsanib na puwersa ng Angeles City Police Office, Regional Police Office 3.

Naaresto ang suspek matapos umanong maaktuhang nagbenta ng  hinihinalang ecstacy tablets sa undercover police.

Narekober sa suspek ang 3,510 tablets ng suspected ecstacy na may standard drug price P5,967,000 at ang marked money na ginamit sa buybust.

Nasa kustodiya na nang pulisya ang naarestong banyaga na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here