Home NATIONWIDE PCG at PSA, lumagda sa data-sharing deal sa pagpapadali ng pagkuha ng...

PCG at PSA, lumagda sa data-sharing deal sa pagpapadali ng pagkuha ng civil registry docs

1
0

MANILA, Philippines – Lumagda ang Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Statistics Authority (PSA) sa isang data-sharing agreement upang mapadali ang pagkuha ng civil registry documents ng mga tauhan nito.

Sa ilalim ng kasunduan, maaari nang i-verify ng PCG nang digital ang civil registry records ng PSA para sa recruitment, pension claims, retirement benefits at iba pang personnel transactions.

“The agreement also enables the digital processing of requests for civil registry documents, eliminating the need for PCG personnel and other concerned individuals to visit PSA service outlets in person,” ayon sa PCG.

Layunin ng partnership na mapabilis ang proseso at gawing mas accessible ang serbisyo ng gobyerno para sa PCG personnel, retirees, pensioners at kanilang dependents.

Ayon kay PCG Commandant Adm. Ronnie Gil Gavan, kung maaaring magtulungan ang dalawang institusyon para pagaanin ang pasanin ng isang tao, bakit kailangan pang manatili ang kanilang pasanin.

Dagdag pa ni Gavan, ang koordinasyon ay kanilang responsibilidad, ang serbisyo ay kanilang obligasyon at ang dignidad ang dapat maranasan ng bawat Pilipino kapag humihingi sila ng tulong sa gobyerno. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here