MANILA, Philippines – SWAK sa kulungan ang 17 kalalakihan na hinihinalang mga tulak ng iligal na droga sa isinagawang buybust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Cavite.
Sa Amadeo, Cavite, dakong alas-11:40 ng umaga nang nagsagawa ng buy bust operation ang Amadeo Drug Enforcement Unit ng Amadeo Municipal Police Station sa Brgy Pangil Amadeo, na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Ken at nakuha ang apat na hinihinaang sachet ng shabu na may standard drug price na P2,652.00 at buy bust money.
Tinatayang 1.06 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug prize na P3,468.00 ang narekoebr matapos naaresto si alyas Mimi, nasa listahan ng High Value Individual (HVI) sa isang buy bust operation na isinagawa ng Cavite Component City Police Station bandang alas-2:57 ng hapon sa Cavite City Public Cemetary sa Barangay 48, Cavite City.
Sa Rosario, Cavite, bandang alas-3:20 ng hapon nang bitbitin ng mga operatiba ng Rosario Municipal Police Station matapos ang isang buy bust operation na isinagawa sa Brangay Tejeros Convention, Rosario na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Nunoy ng tinatayang 0.09 gramo ng shabu na may standard drug price na P612.00.
Sa Trece Martires City, Cavite, arestado naman si alyas Plocks sa isinagawang buy bust operation ng mga operatiba ng Trece Component City Police Station bandang alas-4:55 ng hapon sa Brgy Cabuco, TMC kung saan narekober ang humigit kumulang 1.40 gramo ng shabu na may standard drug price na P9,520.
Bandang alas-5:00 ng hapon nang nagsagawa ng buy bust operation ng mga operatiba ng GMA Municipal Drug Enforcement Unit ng GMA Police Station sa Visayas Ave., Brgy Maderan GMA Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Carlo at narekober ang tinatayang 0.23 gramo ng shabu na may standard drug price na P1,564.
Ayon sa report naaresto sina alyas Jack at alyas Buboy matapos ang isinagawang buy bust operation bandang alas-4:40 ng hapon sa Brgy. Asis 1, Mendez, Cavite.
Nakumpiska sa kanila ang tinatayang 1.13 gramo ng shabu na may standard drug price na P3,604.00.
Sa Rosario, Cavite, arestado naman si alyas Kiko sa isinanagawang operation ng mga operatiba ng Rosario Municipal Police Station sa Barangay Wawa 2, Rosario ng Station Drug Enforcement Unit Rosario Municipal Police Station alas-5:40 ng hapon at narekober ang tinatayang 0.26 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P1,768.00.
Pasok sa kulungan sina alyas Chad at Jojong matapos naaresto ng Trece Martires Component City Police Station sa Barangay Cabuco, TMC bandang alas-5:50 ng hapon ng mga opertiba ng TMC Component City Police Station at nareober ng humigit kumulang 1.52 grams na may standard drug price na P10,366.00.
Sa Naic, Cavite, arestado sina alyas Randy, alyas Louie at alyas Mayo ng Naic Municipal Drug Enforcement Unit ng Naic MPS sa Brgy Sabang, Naic, Barangay Ibayo at Brgy Calubcob, Naic, bandang alas-9:00 ng gabi at narekober ang 0.21 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P1,428.00 at 0.19 gramo ng shabu na may standard drug price na P1,292.00 at 0.21 gramo ng shabu na may standard drug price na P1,428.00
Sa Gen Trias City Cavite, sina alyas Roger, alays John at alyas Randy ang dinakip ng mga operatiba ng Gen Trias Component City Police Station sa Brgy. Pasong Kawayan 1, City of General Trias, Cavite bandnag alas-8:00 ng gabi at narekober ang tinatayang 0.85 gram ng shabu na may standard drug price na P5,780.00.
Aestado rin si alyas Rampie ng Naic MPS sa Brgy. Palocpoc 1, Mendez Cavite bandang ala-10:25 ng gabi at narekober ang 0.52 gramo ng shabu na may standard drug price na P3,536.00
Kasong paglabag sa Section 5 at Section 11, Article II ng RA9165 ang kinakaharap ng mga naarestong.mga suspek. MARGIE BAUTISTA