Home NATIONWIDE 2 nasagip sa bangkang pangisda na bahagyang lumubog sa Palawan

2 nasagip sa bangkang pangisda na bahagyang lumubog sa Palawan

2
0

MANILA, Philippines – Nasagip ang dalawang indibidwal matapos maiulat na bahagyang lumubog ang kanilang bangka sa karagatan malapit sa Wedge Island sa San Vicente, Palawan, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG).

Nagsagawa ng search and rescue operations ang mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station San Vicente katuwang ang municipal disaster risk reduction and management office matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay ng insidente ng fishing boat na FBCA SUPER NOLJENN.

Ayon sa PCG, nasagip ang dalawang sakay ng bangka ngunit hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye ang Coast Guard hinggil sa sanhi ng insidente o sa kalagayan ng mga nasagip.

Paalala ng PCG sa mga mangingisda at iba pang maritime stakeholders na tiyaking seaworthy ang kanilang sasakyang pandagat, may sapat na kagamitang pangkaligtasan, at ugaliing i-monitor ang lagay ng panahon bago pumalaot upang maiwasan ang aksidente sa dagat. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here