Home NATIONWIDE Kahit ipinagbabawal na: Operasyon ng POGO tuloy-tuloy pa rin – ex-PAOCC spox

Kahit ipinagbabawal na: Operasyon ng POGO tuloy-tuloy pa rin – ex-PAOCC spox

1
0

MANILA, Philippines – TULOY-TULOY pa rin ang operasyon ng Illegal Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa ilang bahagi ng bansa sa kabila ng ikinasang pagbabawal dito.

Ibinunyag ni dating Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston Casio na gumagamit kasi ngayon ang mga operators ng ibang taktika para maiwasan ang mga awtoridad.

Sa pagsasalita sa isang forum sa Quezon City, isiniwalat ni Casio na hindi ganap na nabuwag ng October 2025 prohibition ang offshore gaming networks.

“They were banned October 23, 2025. Pero tuloy-tuloy pa rin po ang operasyon ng POGO. Bagama’t nagkaroon ng ban, katulad lang yan ng bawat krimen, bawal pero hindi sila umalis,” ani Casio.

Sa pagta-tantya ni Casio, may libo-libong indibiduwal na naka-ugnay sa POGO operations ang nananatiling nasa Metro Manila at kalapit lalawigan, idagdag pa na marami na ang lumipat mula sa large compounds at ngayon ay nago-operate sa mas maliit na lokasyon gaya ng condominium units.

“Hindi na po sila mga hub. Karamihan sa kanila condo na,” ani Casio.

Kinuwestiyon din ni Casio ang ibinibigay ng gobyerno na visa-free at visa-on-arrival arrangements para sa mga Chinese nationals, sabay sabing dapat rebisahin kung ang polisiya ay exploited ng mga indibiduwal na sangkot sa illegal offshore gaming activities.

“Bakit nagbigay ng visa-free entry o visa-on-arrival entry ang ating gobyerno para sa mga Chinese? Dahil doon, dumami po ulit yung mga Chinese dito sa Pilipinas,” he said.

Nagbabala naman si Casio sa usapin na labas na sa illegal gambling, tinukoy ang di umano’y nag-uugnay sa human trafficking, online scams, at national security concerns.

“Maliwanag na trafficking po iyon. Forced criminality,” anito, tinukoy ang kamakailan lamang na operasyon kung saan di umano’y ni-recruit ang mga foreign nationals ara sa lehitimong trbaho subalit nagta-trabaho sa scam operations.

Nagpahayag din ng pag-aalala si Casio ukol sa di umano’y bogus na birth certificates na inilabas sa mga foreign nationals, inalala na may 1,500 questionable records ang nakumpirma bago pa siya umalis sa PAOCC, habang lbo-libo naman ang nananatiling sumasailalim sa masusing pagrerepaso.

“Ang problema po ng POGO hindi problema lamang ng transnational organized crime. May national security implication,” ang tinuran nito.

Gayundin, iginiit ni Casio na ang korapsyon ay nananatiling ‘key factor’ sa patuloy na presensiya ng illegal POGO operations.

“Hindi mo naman mababagsak ang POGO sa Pilipinas because of public corruption,” anito, sabay sabing kailangan na patuloy na suriin ng mga awtoridad ang posibleng papelng mga lokal na opisyal sa mga lugar na pinaghihinalaang natuklasan ang offshore gaming hubs.

At sa nalalapit na halalan, nagpahayag ng pag-aalala si Casio na maaaring gamitin ng offshore gaming groups ang kanilang resources para mapalakas ang kanilang political influence.

“Ang pera nila, [pwedeng] gagamitin nila sa eleksyon. Yun ang nakakatakot,” he said.

Idinagdag pa niya na may ilang operators ang ni- rebrand ang kanilang mga negosyo bilang business process outsourcing (BPO) firms, technology companies, o lending agencies upang maiwasan ang pagsisiyasat.

Hinikayat naman ni Casio ang mga awtoridad at local government units na panatilihin ang crackdown o paglansag, sabay sabing ang patuloy na pagkakatuklas sa pinaghihinalaang POGO-linked operations ay nagpapakita na ang problema ay hindi pa tuluyang nawawalis.

“Simple lang ang mensahe natin. Mahalin natin ang Pilipinas,” anito.

“Anything that has something to do with POGO, human trafficking, online scams, dapat tuloy-tuloy ang laban ng gobyerno laban dito,” aniya pa rin. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here