Manila, Philippines – Nanganak ng mga espekulasyon na diumano’y may pinagdadaanan ang relasyon nina Heart Evangelista at ng asawa niyang si Senador Chiz Escudero dahil sa cryptic post ng una kamakailan.
Sa isang Instagram reel, may emote kasi ang fashionistang aktres tungkol sa healing, moving on at finding inner peace.
Sa mensahe kasi sa video may tinutumbok ito hinggil sa muling pagbuo ng tiwala, pagbitaw sa nakaraan at pagpili ng sariling kaligayahan.
Dahil sa development na ito, nagkaroon agad ng mga haka-haka ang mga katikatera at sawsawera na diumanoý nahaharap sa pagsubok ang pagsasama ang dalawa.
Worse, meron pang nag-opinyon na diumanoý hiwalay na ang mag-asawa.
Umani naman ito ng samu’t-saring reaksyon sa kibitzers nang mapag-usapan sa umpukan ng mga tsismosang kapitbahay.
Ito ang ilan sa kanilang mga hirit.
“Hiwalay na sila ni Chiz?”
“Kung totoo ito, nakakalungkot naman.”
“True. Ang dami kaya nilang trials na pinagdaanan.”
“May kinalaman kaya ito sa kaso ni hubby?”
“Baka naman gusto lang nilang maging low-key sa ngayon, lalo pa’t may pending na kaso si dyosawa.”
“Nahhh, low key lang yan kunwari hiwalay pero very much together.”
“Pwedeng promo sa project nila.”
“Baka eme na naman nila yan para di na pag pyestahan or iba yung tinutukoy nya sa nirepost nya.”
“Lie low lang yan sa socmed, pero very much together pa yan.”
“That’s not true. Nag-celebrate pa sila ng birthday ni Chiz together.”
“OMG! may proof na still together parin sila! Hahahaha.”
“Baka naman kunware lang para di na putaktehin si mes hurt.”
“Lumalayo lang sa politics si Heart kaya nga bihira na siyang mag-post ng bonding nila ng mister.”
“Kailangang ma-divert ang atensyon sa movie nila ni Pratty.”