Home NATIONWIDE Kasong criminal vs VP Sara sa confidential funds, inaasahan – House prosecution

Kasong criminal vs VP Sara sa confidential funds, inaasahan – House prosecution

1
0

MANILA, Philippines – Inaasahan ng prosecution panel ng Kamara na maghahain ng mga kasong kriminal ang Office of the Ombudsman laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng maling paggamit ng confidential funds kasunod ng pagsisimula ng ahensya sa pagsusuri ng mga ebidensya.

Ayon kay House trial spokesperson Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur na ang ginagawang pagkalap at pagsusuri ng ebidensya ng Ombudsman ay maaaring humantong sa pagsasampa ng kaso laban sa mga responsableng opisyal ng Office of the Vice President (OVP) at ng Department of Education (DepEd), kung saan dating nagsilbing kalihim si Duterte.

Sinabi ni Adiong na hindi lamang simpleng maling paggamit kundi posibleng pag-aaksaya ng pondo ng bayan ang usapin, kaya nararapat lamang ang hiwalay na imbestigasyon ng Ombudsman bukod pa sa proseso ng impeachment.

Aniya, kung magtutuloy ang Ombudsman sa pagsasampa ng kaso sa Sandiganbayan, nangangahulugan itong sapat at matibay ang hawak nitong ebidensya upang patunayan ang pananagutan nang beyond reasonable doubt.

Nilinaw rin ni Adiong na ang imbestigasyon ng Ombudsman ay hindi senyales ng paghina ng mga paratang, kundi pagpapatunay na may mabigat na batayan ang mga alegasyon laban sa Bise Presidente. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here