Manila, Philippines – Nitong nakaraan ay inanunsyo ng 28th Gawaad Pasado ang mga top winners, pero sa October 22 pa gaganapin ang parangal sa San Beda University sa Maynila.
Tulad ng katatapos lang na 49th Gawad Urian, may mga nag-tie din sa mga major acting awards sa Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro.
Tabla sa Best Actress sina Charo Santos-Concio para sa Only We Know at Maris Racal para sa Sunshine.
Nagwagi na si Maris sa Urian who tied with Odette Khan.
Tie din sa Best Actor sina Joshua Garcia para sa Meet, Greet & Bye at Jericho Rosales para sa Quezon.
Jericho tied with Carlo Aquino in Urian.
Si Jennica Garcia–who won Best Supporting Actress in Urian–ang nanalo din sa parehong kategorya sa Pasado.
Si Mon Confiado naman ang Best Supporting Actor para sa Quezon.
Lifetime Achievement Awardees ng Pasado sina Odette Khan at Noel Trinidad.
Nagwaging PinakaPASADOng Dangal ng Kabataan si Will Ashley.
Ang Best Director ay si Jerrold Tarog para sa Quezon.
Triple tie naman sa Best Picture ang Quezon; Meet, Greet & Bye at Sunshine.
Special awardees naman sina Angelu de Leon, Romnick Sarmenta, Ed Lingao, Kaila Estrada, Coco Martin at ang mga bumubuo ng FPJ’s Batang Quiapo bilang pagkilala sa paglilingkod-bayan, edukasyon, pamamahayag at telebisyon. Ronnie Carrasco III