Home OPINION WORLD WAR 3 AT KRISIS SA LANGIS

WORLD WAR 3 AT KRISIS SA LANGIS

3
0

PAANO kaya kung sisiklab ang World War 3 o Pandaigdigang Giyera Pangatlo anomang araw mula ngayon?

Paano ang problema sa langis na malaki ang posibilidad na hindi lang magkakakrisis lalo sa presyo kundi maging sa suplay?

PAGMUMULAN NG GIYERA

Sa tindi ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine at United States at Iran, nagkakadamay-damay na ang ibang mga bansa.

Sa parte ng Russia, direkta nang nakikipagtulungan ang North Korea sa pagpapadala ng libo-libong sundalo sa pakikipagbakbakan sa Ukraine.

Direkta ring nagpapadala na ang China ng mga makinang jet para sa paggawa ng makabagong mga drone ng Russia.

Maging ang mga gawang armas, satellite at internet na gawa ng China at North Korea, ipinadadala na rin sa Russia.

Sa kabilang banda, sangkot na rin ang 32 miyembro ng North Atlantic Treaty Organization laban sa Russia.

Kung ano ang kontribusyon ng North Korea at China sa Russia, tinatapatan naman ito ng NATO, kasama ang United States.

Pareho na umano ang magkabilang panig na naghahanda sa maaaring pagsambulat anomang araw ng ikatlong giyerang pandaigdig.

Naranasan natin ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig nang atakehin tayo ng Japan na kasama noong 1940’s ng Germany at Italy.

Sa Gitnang Silangan, palawak nang palawak din ang giyera na unang nagsimula sa pagitan ng Iran at Israel, kasama ang US.

Ngayon, nagkandamay-damay na lahat sa giyera maging ang Iraq, Kuwait, Saudi Arabia, Bahrain, United Arab Emirates, Qatar, Oman na pawang mga kaalyado ng US labans a Iran.

Ngayon sumiklab na rin ang giyerang Houthi at Iran laban sa Saud Arabia at South Yemen at naghahanda na rin ang Egypt na lumahok sa pagpanig sa Israel.

PROBLEMA SA LANGIS

Hindi lang mga agawan ng teritoryo ang pinag-uusapan dito kundi maging ang agawan ng mga negosyong malalaki, kabilang na ang pagkontrol sa suplay ng langis at pagpepresyo rito.

Nakalaki na ang epekto ng pagsasara-bukas dahil sa giyera ng Hormuz Strait na daluyan ng 20% ng langis mula sa Persian Gulf palabas at patungo sa mundo.

Gayundin ang Bab el-Mandad Strait na daluyan ng langis na nasa 10% naman ng suplay ng langis sa mundo.

Ang 11% na suplay sa mundo ng Russia ay nasa krisis na rin sa pag-atake ng Ukraine sa mga pasilidad ng langis at mga oil tanker ng Russia.

PAANO ANG PINAS?

Todo apektado ang mahal kong Pinas sa giyera ngayon ngunit lalong titindi ang apekto ng giyera kung hahantong lahat sa pandaigdigang digmaan.

Isipin na lang ang katotohanang halos 100% tayong nag-aangkat ng langis.

Sa giyerang pandaigdigan, hindi na lang napakataas na presyo ang problema kundi maging ang suplay ng langis at mga produktong petrolyong diesel, gasolina, kerosene, bunker oil sa mga barko at aviation fuel para sa mga eroplano.

Masasama na rin ang liquified petroleum gas na panluto at natural gas para sa paglikha ng kuryente.

Ano-ano na ba ang mga hakbang ng pamahalaang Marcos sa napipintong bagong giyerang pandaigdig?

Huwag nitong sabihin na madadaan lahat sa paggamit ng balde sa langis gaya ng isinusulong nito laban sa krisis sa tubig dahil sa super El Nino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here