Home OPINION BALDE WAEPEK SA BAGYONG CHAMPI O ROSAL AT SA SUPER EL...

BALDE WAEPEK SA BAGYONG CHAMPI O ROSAL AT SA SUPER EL NINO

2
0

SAKALING magiging maulan ang super bagyong “Champi” na bibinyagang “Rosal” pagpasok nito sa Philippine Area of Responsibility bukas, maghanda ng mga drum at hindi balde, gaya ng payo ng Palasyo.

Kasi naman, walang silbi ang balde dahil napakaliit nito para salukin ang ulan na malakas mula sa super bagyo.

Ang sukat ng bawat patak ng ulan kapag malakas ay kasinglaki ng eraser ng lapis na mongol.

Sa loob ng isang oras, kapag pinagpatong-patong ang ulang malakas, aabot ang haba nito sa 30 pulgada.

Kapag dikit-dikit at magkakasunod ang malakas na ulan, saglit lang, puno na ang balde.

Eh ilang balde ang kaya mong bilhin?

Napakamahal ngayon ang baldeng ganyang kalaki dahil nagkakahalaga ito ng P100 kada piraso.

Ang karaniwang size ng balde, mga brad, ay 10 litro ang laman o mas kakaunti pa dahil karaniwang kalahati lang ito ng bilog na water container sa water dispenser.

Kapag bibili ka ng lima, sapat lang na pang-CR ang isa at kung sosobra, pantanggal lang ng muta sa umaga para kay itay at inay at tatlong anak na nag-aaral.

Paano kung araw-araw kang mag-CR at maligo mula Lunes hanggang Linggo?

Wala pang pang-inumin diyan.

Isa pa, paano kung aabot nga ang nagsimula nang super El Nino nitong Setyembre at magtatagal ito sa Marso-Abril-Mayo sa 2027 at bihira lang umulan o bumagyo gaya ni Rosal na maaaring magtagal lang nga 3-4 araw?

Saan mo gagamitin ang balde kung sa bawat buwan ay may isa o dalawang bagyo lamang sa panahon ng super El Nino at ilang araw lang magtatagal.

Paano kung ang bagyo ay hindi naman babagsak sa buong bansa at sa ilang lugar lang?

Naku, mahampas na nga lang ng sira baldeng plastic ang mga nagsasabing bibili tayo at gagamit ng balde laban sa super El Nino na may bibihirang bagyo at ulan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here