Home NATIONWIDE Walang nanalo sa P284.6-M Grand Lotto 6/55 jackpot

Walang nanalo sa P284.6-M Grand Lotto 6/55 jackpot

1
0

MANILA, Philippines — Walang nakakuha ng mahigit P284.6 milyong jackpot ng Grand Lotto 6/55 sa draw nitong Lunes, Oktubre 19, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Walang bettor ang tumama sa winning combination na 14-52-49-39-35-05, na may jackpot prize na P284,685,354.80.

Wala ring nanalo sa Mega Lotto 6/45, kung saan walang nakakuha sa kombinasyong 16-03-24-34-41-31 para sa P15 milyong jackpot.

Ayon sa PCSO, nasa 1 sa 28,989,675 ang tsansang makuha ang Grand Lotto 6/55 jackpot.

Noong Biyernes, Oktubre 16, isang bettor mula Camarines Sur ang nag-iisang nanalo ng mahigit P115 milyon sa Mega Lotto 6/45. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here