Home HOME BANNER STORY DFA ipinatawag Chinese envoy sa ‘use of force’ remarks

DFA ipinatawag Chinese envoy sa ‘use of force’ remarks

3
0

MANILA, Philippines — Ipinatawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Lunes si Chinese Ambassador Jing Quan upang ihayag ang “serious concern and strong objection” ng Pilipinas sa mga naging pahayag nito kaugnay ng posibleng paggamit ng puwersa.

Ayon sa DFA, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro kay Jing na “provocative and unacceptable” ang naturang pananalita at lalo lamang nitong pinaiigting ang sensitibong relasyon ng Pilipinas at China.

Nauna nang sinabi ni Jing na kung gugustuhin umano ng China na gumamit ng puwersa ay “easily win” ito, ngunit iginiit niyang walang intensiyon ang Beijing na gawin iyon.

Binigyang-diin din ng DFA na hindi nararapat para sa isang foreign mission na hayagang batikusin o hamunin ang mga opisyal at mambabatas ng Pilipinas na gumaganap sa kanilang mandato.

“It is not the place of a foreign mission to publicly criticize or taunt Philippine officials and legislators,” pahayag ng DFA.

Nauna nang sinabi ng Chinese Embassy na kinuha umano sa labas ng konteksto ang pahayag ni Jing. Hinamon din nito ang ilang mambabatas na isulong ang pagdedeklara sa ambassador bilang persona non grata sa halip na umano’y “bluffing.”

Samantala, sinabi ng Malacañang na ipauubaya nito sa DFA ang paghawak sa usapin at nananatiling layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tugunan ang mga hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng diplomasya habang ipinagtatanggol ang interes ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sinabi naman ng DFA na pananatilihin nitong bukas ang komunikasyon sa Beijing at patuloy na isusulong ang dialogue at constructive engagement sa kabila ng umiiral na tensiyon. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here