Home NATIONWIDE Higit 2M estudyante target turukan vs HPV ng DOH

Higit 2M estudyante target turukan vs HPV ng DOH

2
0

MANILA, Philippines — Target ng Department of Health (DOH) na mabakunahan laban sa human papillomavirus (HPV) ang mahigit 2 milyong learners sa ilalim ng Bakuna Eskwela program.

Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Alethea de Guzman, nasa 2.007 milyon ang target na Grade 4 at Grade 5 learners mula sa public at private schools. Tinatayang 9% sa target population ay out-of-school youth.

Ang HPV infection ay maaaring magdulot ng cervical cancer, kaya kabilang ang HPV vaccine sa school-based immunization program ng DOH at Department of Education.

Kinumpirma rin ng DOH regional offices na ngayong Oktubre ay binabakunahan kontra HPV ang Grade 4 female learners at Grade 5 female learners na hindi pa nabakunahan.

Bukod sa HPV vaccine, nagbibigay din ang Bakuna Eskwela ng bakuna kontra measles, rubella, tetanus at diphtheria para sa iba pang target grade levels.

Hinimok naman ng DOH ang mga magulang at caregivers na kumuha ng tamang impormasyon tungkol sa bakuna at magbigay ng kinakailangang consent upang maprotektahan ang kanilang mga anak laban sa vaccine-preventable diseases.

Ayon kay De Guzman, umabot sa 7,829 cervical cancer cases ang naitala sa Pilipinas batay sa 2022 data, kaya patuloy na isinusulong ng ahensya ang mas malawak na awareness at prevention laban sa sakit. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here