Home METRO 12-anyos na estudyante tinarakan ng klasmeyt sa Laguna school

12-anyos na estudyante tinarakan ng klasmeyt sa Laguna school

1
0

SAN PABLO CITY, Laguna — Nasugatan ang isang 12-anyos na Grade 7 student matapos umanong saksakin ng kapwa estudyante sa loob ng San Pablo Science High School sa Barangay San Jose nitong Lunes.

Ayon sa San Pablo City Police, nangyari ang insidente habang lunch break at nagsimula umano sa asaran ng dalawang estudyante.

Sinasabing naglabas ng peeler knife ang 12-anyos ding estudyante at sinaksak ang biktima.

Nagtamo ang biktima ng mababaw na sugat sa leeg, batok at pisngi ngunit nasa stable condition, ayon sa pulisya. Kinumpirma rin ng hiwalay na ulat na isinugod sa ospital ang estudyante at ligtas ang kondisyon nito.

Agad namang na-turn over ng mga guro sa mga awtoridad ang batang itinuturong sangkot sa insidente.

Dahil menor de edad, inilagay siya sa pangangalaga ng City Social Welfare Office bilang child in conflict with the law (CICL) para sa kaukulang intervention.

Iniimbestigahan pa ng pulisya kung paano naipasok sa loob ng paaralan ang patalim at ang iba pang pangyayari bago ang insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here