MANILA, Philippines — Hindi dumalo si Vice President Sara Duterte sa pagdinig ng Senado sa panukalang P785.2 milyong budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2027 nitong Martes.
(Cesar Morales)
Kinatawan si Duterte ni OVP Chief of Staff Zuleika Lopez, na nagsabing may dinaluhang inurnment ang bise presidente ng matagal nang city planner ng Davao City bilang kinatawan ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kabila ng kanyang pagliban, mabilis na inaprubahan ng Senate finance subcommittee ang panukalang budget ng OVP para iakyat sa plenaryo.
Ang P785.2-milyong panukalang pondo ng OVP ay bahagi ng deliberasyon ng Senado sa 2027 national budget. RNT