Home METRO Pulis, sibilyan utas sa pamamaril sa Palawan

Pulis, sibilyan utas sa pamamaril sa Palawan

3
0

PALAWAN, Philippines – Nasawi ang isang pulis at isang sibilyan sa insidente ng pamamaril sa Sitio Marabahay, Barangay Rio Tuba, Bataraza, Palawan nitong Lunes, ayon sa Bataraza Municipal Police Station.

Ang pulis, na nakatalaga sa 2nd Special Operations Unit ng PNP Maritime Group, ay nagpaputok ng kanyang baril na issued ng pamahalaan sa loob ng himpilan bago magtanghali. Pagkatapos nito, gumala siya sa kalsada sa Marabahay.

Sinubukan siyang awatin ng mga rumespondeng pulis, ngunit pinaputukan niya ang mga ito kaya gumanti rin ng putok ang mga awtoridad.

Tinamaan ng bala sa binti at katawan ang suspek at dinala sa Rio Tuba Nickel Foundation, Inc. Hospital para magamot. Kalaunan, inilipat siya sa Bataraza Municipal Health Office para sa karagdagang lunas, ngunit namatay din.

Samantala, ilang beses ding binaril ang isang sibilyan na nasawi sa mismong pinangyarihan ng insidente.

Narekober ng mga rumespondeng pulis ang baril ng suspek at isang 11-pulgadang patalim.

Patuloy ang follow-up investigation ng Bataraza police upang matukoy ang buong pangyayari, bilang ng mga putok na pinakawalan, at iba pang detalye ng insidente. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here